layout by bahiyahnor
resources at weheartit



Tuesday, December 20, 2011

T_____T

WALA KAMING NET SA BAHAY!!!! T____T

Next time na ako magpopost kung naayos na.. Yun ay kung BUHAY pa ako.

Advance Merry Christmas na lang.. Kahit hindi naman talaga "merry" dahil mismong mga tito ko eh dinedma ako nung ichat ko sila ng "Merry Christmas!! Mwahhhh chupzzzz.."




CIAO!

Wednesday, November 30, 2011

Nawa'y patawarin ako ng Panginoon T_T

Sabi nga nila, lahat ng bawal, MASARAP! Bawal 'to sa amin eh!

Spell FIESTA!

November 29. Waaaaah, ang saya sa Bugallon! KAHIT BAWAL. Kapiling ang mahal mo with matching "chupz mhua!" sa tuktok ng ferris wheel. Habang sinisigaw ang mga katagang "Aaaaaaaaah!!! I love you Jarvis!!!!" in a matter of DEATH situation. Yes yes yes, death nga. KAMATAYAN! Hahaha dyahe nga eh, muntik ko ng malunok yung bubble gum habang nakahigang inuubos ang halakhak sa pinakataas-taasang parte ng octopus ride. Kesi nemen eeeh, si Jarvis naputol. Nag-anyong baklang ipis for short. Imbes na ako ang nagsisigaw habang nakasakay... "ROOOOODZ!!!!!! AYOKO NAAAAAH~!!!!! AYOKOOOOOH NAH~!!!!" Jusko, binasag mo ang eardrums ko! T___T

Weyt nga, sa climax na ba sinisimulan ang story? Mateyktu nga!

So yun, bago kami sumakay sa rides, lumarga muna ako sa bahay nila. Syempre kumain ako, pero kunwari nahihiya ako. xD Andun kaya klasmeyts ni Ate Jael! May gwapo pero nevermind that muna! Skip tayo.


*PLAZA*

Bilib ako kay Jarvis! Over-possessive!! Alam nyo bang nagmistula kaming sardinas na nagsisiksikan sa lata sa sooobrang daming tao. Nasa likod ko sya tapos nagawa pa nyang yakapin ako habang naglalakad? As in DIRECHO yan! Yakap nya ako at nilalayo sa mga lalaki. Ayaw nyang dumikit ako sa lalaki maski yung tungki ng balat ko. Ang kyut nyang boyfren! :)

Nakita ko si Rochelle, kasama si Michael Angelo Arias! Sasakay ng octopus. At dun na ako kinatay ng kuryusidad ko. SILA NA YATA! Namana ng kapatid ko ang ugali ng mga lalaki na kahit sobrang obyus na, todo deny pa rin. Nakita ko kasi yung shirt nyang may tatak na MIKELLE_01. Then kanina nabasa ko yung GM ni Michael sa cp ni Rochelle, may nakalagay na "01" sa dulo tsaka "f.o.o.t.p.r.i.n.t.s" na pangalan din ng profile ni Rochelle sa cellphone.

So yun, nakisabay na kaming sumakay. Nagpapasalamat ako sa Diyos kasi nabuhay pa ako. Tapos sa ferris wheel na naman. Sayang nga ang 20! Pucha ang boring! Parang sumakay lang kami sa escalator eh! Limang piso lang dapat dun!!

Nung pauwi na kami, hinatid kami nung pinsan ni Jarvis. At dun ko napatunayan na wala nga talagang happy ending. Nag-away kami.. Bakit? Secret. Baka malaman mo..

Thursday, November 24, 2011

1 year. 4 months.

Mautot nga muna.


Soooo.. Bukas na ako magpopost! HAHA, gabi na at may pasok pa ako. I-edit ko na lang 'to.


Nyties!

Tuesday, November 15, 2011

KAPUS-PALAD. Kaya barya-barya lang po sa umaga!

Kung pagagawahin lang sana ako ng titser ko ng komposisyon tungkol sa pinakamalas na araw sa buong buhay ko eh kokopyahin ko na lang siguro ang nakalagay sa blog na 'to.

Gravacious!! Ang saklap ng kinahinatnan ng layf ko. HAHAHA. Pero ayos na din, may part din naman kasing puro laughtrip.

NGUNIT, SUBALIT, DATAPWAT, SINUSUMPA KO PA RIN ANG ARAW NA 'TO!!!


  • Naramdaman ko na lang na nakatutok pala ang armalite ng Mama ko sa akin, ayun, 6 ako nagising.  At OMB talaga, 7:30 ang pasok ko so may 30 minutes akong preparation. Kumain  si Rodessa, naligo, nagtutbras, nagpulbo, etc. Napagtanto ko na lang, nakabalot pa ako ng twalya, wala pang kahit katiting na underwear ang suot. Napamura ako sa isip, putangina. Hindi nilaba ni madur yung pants ko! Pero bakeeeet?!! Nagwala ako, hanggang sa mademonyo at sabihin ang mga katagang "HINDI NA AKO PAPASOK!!! WAAAAAH~!!" Umiyak si Mama ko, hahaha. Tapos yun, nakahanap din ako ng pantalon, with matching safety pin. Sira ang buttons eh, infinite kasi ang aking bilbil.
  • Pakening shetness! LATE ako! Wooh, wala pa naman palang instructor ee, pero may substitute muna--ang walang iba kundi kafederasyon ni Vice Ganda at BB Gandanghari! CHOS, sosyal ang mga baklita! Sa kasamaang palad ay natawag agad ako, pasalamat sya tinawag nya akong gorjus eh, LIKE HER daw.
  • Sa English naman, nakilala ko si Sheen. Sheyn kung ating bibigkasin. Sabi nya tabi na daw kami, oh di nagtabi nga kami. Tapos yun, pinagperform kami ni Ma'am, kagroup ko sya at yung 'Mark' daw. WAAAAH~! Ang malas talaga, as in wala pa kaming kaalam-alam, pangalawa kaming natawag! Goodness, gracious, santisima!! Kalbuhin nyo na ako, wag nyo lang akong patayuhin sa harap!!
  • o___O Ganyan ang first reaction ko pagkakita ko sa titser ko sa History. DOLORES UMBRIDGE, ikaw ba yan?
    "Am I going to wait for nothing?!!"
    "Did you get me?!!"
    "Is that fair?!"
    "Those 3 girls at the back!! Move in front!!"
    Sobrang pinawisan yung kili-kili ko nung History! At guess what, natawag din ako sa klase nya! Tumayo ako for more like 2 minutes?!! Haha, buti nga 2 lang eh, yung iba 5 o higit pa. Naku, lechugas di ba? 3 consecutive sabjex, hindi ako pinalampas! Mga titser sa UoPang, libu-libo po ang studyante sa iskwelahan para sabihin ko sa inyo! Putakte kayo forever!

    • LUNCH BREAK. Kumain kami ni Jarvis sa McDo. Nasa CR ako, biglang may hayop na nagtulak-tulak ng pinto kasi di nya mabuksan. Eh, andun ako!!! PUTA yun ha! Pagpasok nya, "tsk" sabi ko, matanda pala! Awayin ba naman ako?
    Sya: *tiningnan ako ng masama* Bakit kasi nanjan ka sa pinto?!
    Ako: Eh kasi naman, PILA.
    Sya: Tapos magagalit-galit ka.
    Ako: Di ako galit!
    Tangina sya, kung anu-ano pa pinagsasabi! Dapat wala daw ako sa pinto! Dapat nasa labas muna ako. Tanga ba sya? Eh pila nga eh, kung sa labas ako maghihintay di hindi na ako makakaihi, andaming pumipila, DUH! Sarap mong hambalusin lola!! Tsk, idol!
    • Bumalik kaming skul, pumila ako para magbayad ng P50 para sa pagpapalit ng code. Yes, tama ang naiiscan ng mata mo! Magpapalit ako ng subject code para maging klasmeyt si Jarvis. Oha, ang landing gerlpren! Nasa pila ako katabi si Brigette at Suncun. Ang kulit nilang katabi, hahaha. Susulatan daw nila yung likod ng babae sa harap namin, nakabackless kasi. Tapos tulak sila ng tulak sa akin patagilid, yun naman pala eh nakyuryus ang mga bruha sa mukha nung babae, kung maganda ba o mukhang hinugot sa lupa ang pagmumukha. Paglingon nun, hindi naman sa panglalait pero nagulat din ako sa hitsura. AHAHA. Mukhang pusa! Sira ulo sila Brigette!! Ang lakas-lakas ng boses nila eh, sabi nila "Bari-bari" at kung anu-ano pang dasal na pangontra sa masamang ispiritu! Napansin nya kami, humarap sya. "May problema kayo?" sabing ganun ng bruha! Wala sabi ko. Hanggang sa matapos ang pila, direchong tawa na! HAHA.
    • PUTA pagkakuha ko ng COM ko, nadagdagan ng P1000 yung tuition ko. Shet na malagkeeeeeet!!!! TT_TT

    Monday, November 14, 2011

    Pacquiao vs Marquez

    Supposedly, kahapon ko pa 'to ipopost eh. Sa kasawiang palad ay tinamad ang fingers ko at puro sabaw ang laman ng utak ko kahapon. Kaya eto, ngayon ko lang popost. :))

    WAAAAAH~!!! Anong bang dapat kong sabihin?! Hindi ko talaga inaasahan eeh. Akalain nyo yun buong round halos bangis lahat ni Marquez ang nasilayan natin. Akala ko pinataob na ni Marquez ang bansang Pelepins!! TT__TT Hindi kaya paborito ng judges si Pacquiao? Haha. JOKE. Syempre dahil ako'y isang dalagang Pilipina, aking pinagmamalaki ang ating pambansang kamao! Tayo'y magpalakpakan mga kababayan! Ayan oh, ayan ang katibayan ng pagkapanalo po ni Pacman. Kaya wag na po tayong magduda! Ayon nga sa isang "parang" nakasagutan ko sa facebook, deserving naman syang manalo. Siya ang title holder kaya kailangang yung challenger ay maging aggressive but it turned out na baliktad ang nangyari. Puro atras si Marquez. Nananadyang pagurin si Pacquiao eh. Nemen!!! At hindi nyo ba nakita yung ending? Haha, nagpakahumble sya sa huli samantalang si Marquez puro kaway ng kamay, tipong akala nya win na win na sya teh. Shet, pahiya ang Mexico nun ahhh.

    Ano pa bang sasabihin ko? Ayun pala! Wala akong pasok ng MW. Shet, pakasarap muna ang bruha. Bukas pa kasi magsisimula ang kalbaryo ko. WHOLE DAY ako ng TTh at Friday. Tagos ang sakit a kaibuturan ng singit eh! Tapos pakasarap na naman ng Sabado dahil dalawang oras lang ang klase ko at siguradong malalagot sa akin ang instructor ko kung hindi na naman kami sisiputin. Naghihirap na ang Pilipinas, sayang na ang pamasaheng P40.

    Nagkita nga pala kami ni Jarvis sa Beach kanina at una pa lang ay masama na ang hinala kong mali ang kalalabasan. Nangyari nga ang hinala kong yun. Wag nyo ng tanungin kung bakit.

    Haist, nakakalungkot yung music.

    << >>